April 5, 2011

I Hate Dogs!

Oops, I know the title is a little harsh. But let me explain myself why? Okay, way back 1998 nakagat ako ng aso ng tito ko na si "Tutu," sobrang na trauma talaga ako sa pangyayari na yun. Nahimatay lang daw naman ako after makagat ni doggie. Anu nga ba ang nangyare, papunta kami ng mga kapatid ko sa isang bakanteng bahay not knowing na andun pala ang katatapos manganak na si "TuTu" abay sobrang bagsik niya, hinataw talaga ako ng sakmal dahil hinarangan ko siya para hindi makagat ang mga kapatid ko (at silay pinatakbo ko palayo) at hindi pa ako tinantanan hinabol pa ako ng kagat ng magtangka akong tumakbo.

Dahil sa probinsya ako nakatira nung bata pa, hindi ako nakaranas ng medical treatment kundi isang makalumang paraan ang in-apply sa akin, ito ay ang "Tandok" isang proseso ng pagsipsip ng dugo at kamandag ng aso sa pamamagitan ng sabon, blade, baso at apoy. Nilinis muna ang aking sugat tapos ay hiniwa ng bahagya tapos itinapat ang baso na may apoy sa aking sugat, at hindi ko na alam ang sumunod na kabanata at akoy hinimatay na. At ang pinaka-masaklap sa lahat, hugis HEART ang iniwan na peklat sa binti ko. Awts!

Sobrang naging traumatic talaga para sa akin ang nangyari, 13 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon takot parin ako sa aso, as in takot na takot. Sorry sa mga naoffend ko para sa post na ito. I hope one day I will learn to like this animal again. I hope.